Lasing, tumawag,
Pumikit, nakatulog.
Pagkamulat nakita ka.
Hala, katabi ko na.
Tanga ko no:
Pinapunta ko siya.
Halik. Isang halik lang.
“Bakit mo ginawa yon?”
“Kasi gusto ko.”
Ang gago ko no:
Tumayo tas lumayo.
Lumabas ng kuwarto.
Kamot ulo. May hangober.
Ang bastos ko: pinapunta ka
Tas ngayon pinapauwi na.
Umupo sa sala.
Nakaupo ako, tas lumuhod ka.
Magkaharap. Mata sa mata.
Wala akong nagawa kundi umiyak.
Wala akong magawa kundi umiyak.
Ang dami mong tinanong,
Di ko kinaya.
Nanginginig, nanlalamig.
Nangangatal: “Umuwi ka na.”
“Anong puwede kong gawin para bumalik ka?”
“Anong kelangan ko itama?”
“Wala na bang pagasa?”
Di ko alam. Wala kong nasagot.
Yung nasa utak ko lang non:
“Pano ko bibitawan ang buong mundo ko?”
At ang pinakamahirap na tanong,
Na kahit hangang ngayon di ko masagot:
“Mahal mo pa ba ako?”
Di kita matingnan sa mata non.
Sa totoo lang, kahit hangang ngayon.
Ano bang dapat kong sinagot?
“Hindi,” eh di nagsinungaling naman ako.
“Oo,” pero di kayang ilabas ng bibig ko.
Wala kong sinabi kundi
“Umuwi ka na.”
Sabay iyak. Iyak lang ng iyak.
Ang sakit sakit makita kang umiiyak.
Sana nalunod nalang ako sa alak.
Puwede bang ibalik nalang yung oras?
Tapos yun.
Yun yung huli tayong nagsama.
Tapos non, tawag ulit ng kaibigan,
Bilyar doon sa Dapitan.
Inom ulit para sa kinabukasan.
Baka sakaling mahanap ang sagot
sa inuman.

Leave a comment